Gusto ko lang naman na maayos lahat this Christmas. Lahat. As in LAHAT ng gusot o kung anuman. ‘Yun lang. Period. No erase. Padlock. I-shield pa natin.
Pero alam kong sobrang labo nang mangyari ‘yun. Kahit before 2011 na lang. Kung meron lang sanang kahit isang araw, bente kwatro oras, upang gawin ‘yun, gagawin ko.
Kaso wala na tayong magagawa ung iba nama’y ayaw, o sabihin na nating ‘nagtatampo’, at sadyang mahirap kausapin (yung tipong ‘di ka papansinin o kinakausap nang maayos?), nako.. Hindi ba nakakawalang gana? Nakakasawa kung paulit-ulit na lang. Hindi sa naninisi ako o kung anuman. Alam kong may kasalanan ako. Lahat naman nagkakamali hindi ba? At naiintindihan kong hindi madaling magpatawad.
Ang gusto ko lang nama’y maiayos ang mga bagay-bagay, bago matapos itong taon na ‘to. Gustuhin ko mang bago magPasko’y mawala na lahat ng gusot, mahirap kung ikaw lang ang kikilos habang ang isa’y, nagkikimkim pa ng galit.. O, pinapairal ang ‘pride’.
PS. Batu-bato sa hangin tamaan wag magalit. Ako lamang ay naglabas ng sama ng loob.
——-
*Kahapon pa ‘to. Ngayon, wala na :D (saved in my cphone’s drafts folder and is now ready to be deleted)
Peace of mind, you are truly welcome to come in my system :)
Kasi ayoko na magkaroon ng kahit anong bad vibes sa pagdating ng 2011. I want a fresh start. Who doesn’t want, right?
x